...When Mean SimpLicity TaLks...

kung ang Mundo man ay iyong kaaway na rin, pasan mo man ito sa iyong mga baLikat, dama mo man ang paghihirap ng sa ati'y nakararami. Iyong matatanaw sa kaLaLiman ng mga karanasan sa bLog na ito, ang haLimuyak ng kasiyahan at katotohanan sa Mundo, ang kasiyahang akaLa mo'y matagaL ng Lumisan sa iyong sariLi at sa iyong puso. Dito'y iyong matatagpuan ang mga kakaibang epaL na karanasan ng manunuLat. Iyong subukang buksan, at Lubos na kaLigayahan ang iyong makakamtam.

Friday, June 20, 2008

Na Naman!?

Hunyo 2004, ng kamiý tumungtong sa mataas na paaralan ng Unibersidad ng PerpetuaL HeLp. Masasabi kong napakasaya ng mga panahong iyon, tumpulan ng pang-aasar ang bawat isa sa amin, merong pikon, merong iyakin, meron din namang nakikisabay na Lng, ika nga nila ''go with the flow!'' Pero ang bawat kasayahan sa kalagitnaan may kalungkutan din, nanjan yung panahon na nagalit samin ang aming adviser kasi di daw namin natanggap ang aming pagkatalo sa traditional na contest sa aking paaralan ang sabayang pagbigkas, nanjan yung mga panahong nasabihan kami na iba di tulad sa ibang pilot section na masisipag raw, mababait, tahimik at kuna anu-anu pa, at ang pinaka matindi ay ng makaaway ng klase namin ang aming teacher sa Filipino, nagsimula kasi yun dahil dun sa kaklase ko na kasintahan ang isa sa mga estudyante mula sa advisory class nya, ngayon itong kaklase ko namang lalaki nanligaw ng iba habang sila pa, aun e di lagi daw naiyak yung babae, aun nagalit sya samin nun. Tapos naging napaka sensitibo na nya sa mga kilos namin kaya madalas syang nagagalit, pero ok na yun ngayon. Kahit masakit sa amin ang ikumpara sa iba, tinatanggap lang namin yun, kung sabagay sino ba naman kami? Mga di hamak na ignoranteng mga estudyante lang, anu ba namang alam namin sa mundo nila?
Hunyo 2006, ikatlong taon sa mataas na paaralan, pilot section, di pa rin naaalis ang mga pagkukumpara ng ibang mga guro sa amin at sa mga dating taga pilot section, pero ang alam ko immune na kami dun, at bawat pagkukumpara nila, tinatawanan na lang namin, sino nga namang may gusto nun? Pero ito ulit, nagalit ulit sa amin ang adviser namin, kasi walang open communication kaya nag mga hinanakit sa iba muna nakarating, ayun, matagal-tagal di yun, naging napaka walang gana ang klase namin, txk! Tuwing flag, lagi kaming napapagalitan kasi lagi daw kaming huli sa pila, kaya ayun 1 oras bago pa magsimula ang flag ceremony, nakapila na kami, pero ayun, pinagbawal na ang pagpila hangga't wala pang bell, kainis talaga! At nakalimutan ko, ang pinakamalaking iskandalo ng taon na ito, ng walang nakapasok na awardee nung first grading, lalong tumindi ang mga pagkukumpara. Pero ok lang ulit, immune na ho kami! Pero buti na lang naayos ulit ang gusot sa pagitan namin ng adviser namin.
Hunyo 2008, ikaapat at huling taon sa mataas na paaralan, pilot section, panagalawang linggo pa lang napagalitan na kaagad kami ng adviser namin, kasi pinagalitan kami ng chairman ng cocurr sa flag kasi raw mababagal kaming kumilos at laging huli sa flag, yun pa lang ang latest as of now, marami pa yan, abangan nyo lang. Pero ang pinakamaskit ang malaman na ang mga titser na itinuturing natin na pangalawang magulang, hindi tayo kayang pagkatiwalaan, at imbes puro sila pagkukumpara, hindi man nila sabihin ramdam namin sa mga tingin at kilos, na para bang '' the nerves of you naman.''
Pero sa kabila ng mga:
''anu ba yan, yung mga nahandle ko dati na pilot section, ganito ganyan.''

''yan na ba ang best nyo?''

''nasan na ang mga awardee ng third year?''

''it's my first time to get angry to the pilot class, in terms of behavior.''

''cheating!''

''tama nga ata yung sinasabi ng iba.''

''i EXPECT a LOT on YOU.''

''because YOU'RE the PILOT CLASS i EXPECT a LOT on YOU.''

anjan ang mga inspiring na linya tulad ng:

''dapat ba akong maniwala sa mga sinasabi ng iba? hindi naman di ba? kaya nyo yan!''

''why noisy!?''

''i summarize the summary.''

''nobody's allowed to go out during my time and go to the zr...'' (maya-maya pah) ''wait lang class I'll just go to the zr.''

at marami pang iba.
Anjan pah yung nag first runner up kami sa sabayang pagbogkas nung third year, sariling sikap, sariling pagod, sariling pawis, ilang beses kamin namura ng mayor namin, ilang beses syang naiyak, ilang beses kaming nagtawanan, nagharutan at nagpasaway.... hikhik, that's the most important thing... and though how many times they told us that we're different and weird, isa lang masasabi ko dyan, hindi kami nabuhay para manggaya at magpakaplastic, alam namin ang aming kahinaan at sinusubukan namin itong punan, and we're not weird we're just unique.... ok?
cause 4-RIZAL batch 2008-2009 did not make history but they are ''History on the making.'' Laban pa?

1 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home