...When Mean SimpLicity TaLks...

kung ang Mundo man ay iyong kaaway na rin, pasan mo man ito sa iyong mga baLikat, dama mo man ang paghihirap ng sa ati'y nakararami. Iyong matatanaw sa kaLaLiman ng mga karanasan sa bLog na ito, ang haLimuyak ng kasiyahan at katotohanan sa Mundo, ang kasiyahang akaLa mo'y matagaL ng Lumisan sa iyong sariLi at sa iyong puso. Dito'y iyong matatagpuan ang mga kakaibang epaL na karanasan ng manunuLat. Iyong subukang buksan, at Lubos na kaLigayahan ang iyong makakamtam.

Friday, June 27, 2008

wanted: Efficient Nurses.

June 27, 2008... after ng CAT training sa schooL.

So yun na nga as my header says after ng aming nakakapagod na CAT training, for short uwian na at gala time naman, hehe, but sino ba namang magaakala na may aksidenteng mangyayari sa isa sa mga kaibigan ko, eto ang storya.
Ng pinalansag na kami ng aming mga kumander na kapwa rin naming 4th yr at mga kakalase ko pa, hinanap ko ung mga kaibigan ko, and then kala ko iniwan na nila ako, pero nandun pala sila sa tapat ng aming New Gymn, na ilang metro lang ang layo mula sa soccer field na pinagdadausan ng training, para silang mga ususera't mga ususero na may pinagkukumpulan dun, yun pala yung isa kong kaibigan na si Iya, ay hindi makagalaw at parang naninigas at hindi pa sya makahinga, pinatakbo namin si Ionne sa clinic para icheck kung bukas pa, tapos hinihintay pala nila si Arwin na inutusan nila na kumuha ng tubig para kay Iya, nilapitan ko si Iya, hinawakan ko yung kanang kamay nya, hinilot-hilot ko kasi nandun yung nerve na kunektado sa lungs para mapaluwag yung paghinga nya, and then may lumapit na lalaki at pinaalis nya yung mga nakapalibot kay Iya, kasi nga naman di na nga makahinga masikip pa, and then umalis na rin ako, at bumalik na si Ionne, sabi nya hindi daw nagsasara ang clinic kaya binuhat na namin si Iya at dinala sa clinic, and here it is, on the way to the clinic galing sa New Gymn, daraanan mo ang Canteen kung saan maraming college students, daraanan mo rin ang hile-hilerang classroom ng college students, at huli ang lobby kung saan kapwa Highschool at College students ang nakatambay.
Kilala ang School ko bilang isang institusyon na nangunguna sa nursing course kaya mga nursing students ang may pinakamadaming populasyan ng college sa school ko, and here it is ang mga room na madadaanan mo papuntang clinic ay room ng mga nursing students, dumaan kami dun, vacant nila dahil nasa labas sila at nagtetext lang, dumaan din kami sa lobby kung saan nakatambay ang karamihan ng nursing students, at ni isa sa kanila walang tumulong samin kahit sa pagbuhat, and guess what ok lang sana kung hindi na sila tumingin pero nakatulala pa sila samin na parang ewan.
Nakakahiya noh? Anu ba ang silbi ng mga pinagaaralan nilang pagkahirap-hirap kung hindi sila marunung tumulong in times of emergency? Anung silbi ng kanilang mga puting uniporme kung hindi sila marunung tumugon sa pangangailangan?
Talo pa namin sila, kaming Highschool students, haha, pag ako nag-college hindi ako magiging ganun tulad nila.
Buti na lang ok si Iya.
thank God.


0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home