...When Mean SimpLicity TaLks...

kung ang Mundo man ay iyong kaaway na rin, pasan mo man ito sa iyong mga baLikat, dama mo man ang paghihirap ng sa ati'y nakararami. Iyong matatanaw sa kaLaLiman ng mga karanasan sa bLog na ito, ang haLimuyak ng kasiyahan at katotohanan sa Mundo, ang kasiyahang akaLa mo'y matagaL ng Lumisan sa iyong sariLi at sa iyong puso. Dito'y iyong matatagpuan ang mga kakaibang epaL na karanasan ng manunuLat. Iyong subukang buksan, at Lubos na kaLigayahan ang iyong makakamtam.

Friday, July 11, 2008

Can this be Love? XD.

I used to define love as a complex bond of relationship between two individuals either of the same or different attributes.

Ngeeek? Anung konek? Wala lang, well, ayon hindi naman tungkol sa walang kwentang pag-ibig ang blog ko ngayon, well ewan, masaya lang siguro talaga ako ngayong araw na toh. Para updated kayo sa nangyayari sa aking buhay estudyante, ikkwento ko sana sa inyo na ngayon naganap ang Junior Supreme Student Council Elections sa aking paaralan, well ayun dahil nasimulan ko na ipagpapatuloy ko na,(pag pasensyahan nyo na kung medyo bangag ako ngayon, masaya kasi talaga ako) pero hindi ko sasabihin sa inyo na habang bumoboto ang iba kong mga classmate bumababa ako at si Ghiee sa canteen para bumili ng Soft Serve Milo, mula sa Milo stand. Oooops! Pero secret lang natin yun ha! Well ayun, nakipag-pustahan ako kay Grace kanina na kapag natalo ang aking Sociological Cousin bilang Vice President internal ililibre ko sya ng ice cream, at vice versa, pero ayun natalo ako, hindi naman kasi ako magaling sa pustahan.

Kung itatanong nyo naman kung bakit bangag ako ngayon, hindi ko yan masasagot, kasi kahit bangag ako alam ko pa rin yung secret ko, hikhik. Pero kanina matapos ang over-all counting ng election votes, nawala ako sa mood, ewan ko kung bakit. Magfu-fudtrip sana kami dun sa bagong bukas na ihawan-canteen malapit sa school, kaso sabi ko wag na lang wala kasi ako sa mood. Pero ayun bumalik din namanyung good mood ko, si Arwin kasi nagpahabol pa eh, txk. Ay! Nasabi ko ba sa inyo na nagalit sa akin si Kenneth? well, actually it was a form of joke, pero dahil wala ako sa mood kanina natakot ako, wala lang shinashare ko lang, kasi naman nakita nya yung pangalan nya sa blog ko, ewan ko kung panu, basta nakita nya. Tapos ayun, napagdesisyunan namin na sa SM na lang kami kakain, as usual saan pa ba? E di sa KFC, wala namang ibang lugar na pinaghahangawtan naming magbabarakada eh. Una hindi kasi ako maka-arcade, pangalawa KJ ako, at kung kunwari mawawala ako sa tabi nila, hindi na nila ako hahanapin kasi alam nilang nasa National Bookstore ako. Tapos ayun di ba nakain kami, biglang dating naman itong mga titser namin si Gn. Rodolfo C. Manuel Jr. ang aming Economics titser at si Mr. Adrew A. Villarba ang aming English IV titser, nagtilian sila Ghiee at Mimi, kasi anjan si Mr. Manuel (crush kasi nila yun!) nakisama din si Jelliene at si Nique na akalang nanjan din si Mr. Magalong kasi crush nila yun (magbabarkada din kasi yung mga titser na yun!). Ako? Anung reaction ko? Ayun, wala lang, kasi naman si Mr. Manuel sa dinami-dami namin sa room (fifty one students kami sa room) laging ako na lang ang inaasar, pero buti na lang hindi sya ganun sa labas. Well so far yun lang naman ang nangyari ngayong araw na ito.

Well of course hindi ko pa nasasabi na ilang beses ko sana syang nakit kaso syempre di ko sya tiningnan kasi baka sumabog na naman ang bulkan ko. Nakakainis talaga bakit kaya ganun? Leche, bakit kasi nauso pa ito sa mundo?

By the way, narining nyo na ba yuhng sinabi ni Nostradamus tungkol sa July 18, na mangyayari dito sa Pilipinas? Well, di ko alam kung totoo nga nya itong sinabi kasi nakwento lang din sa akin ito, pero hindi ko na sasabihin, kayo na lang ang maghanap. hikhik. Pero remember kapag nabasa nyo, only God knows what he have planned.

Ayun, good day and God bless you! thanks for reading.

Kung hindi mo nagets at kung nagtatanung ka bakit ganun ang title ng blog na toh, isa lang ang masasabi ko, YOU'RE SUCH A LOSER!, kasi naman eh, basahin mo ulit kung hindi ka mapanatag at patuloy kang binabagabag ng title ko sa blog na ito.

Pero as for me I'm out of here! hikhik! Au revoir!

2 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home