...When Mean SimpLicity TaLks...

kung ang Mundo man ay iyong kaaway na rin, pasan mo man ito sa iyong mga baLikat, dama mo man ang paghihirap ng sa ati'y nakararami. Iyong matatanaw sa kaLaLiman ng mga karanasan sa bLog na ito, ang haLimuyak ng kasiyahan at katotohanan sa Mundo, ang kasiyahang akaLa mo'y matagaL ng Lumisan sa iyong sariLi at sa iyong puso. Dito'y iyong matatagpuan ang mga kakaibang epaL na karanasan ng manunuLat. Iyong subukang buksan, at Lubos na kaLigayahan ang iyong makakamtam.

Saturday, July 19, 2008

Don't Know Why

Hindi ko alam kung bakit ko naisulat itong blog na ito, ewan ko ba kung anu talaga itong nararamdaman ko. Basta ng malaman ko yung tungkol sa bagay na yun at sa tuwing maalala ko yung bagay na yun, lagi na lang akong nawawalan ng gana. Hindi ko naman alam kung bakit, hindi naman sana sya ganung kaimportante, actually hindi ko nga sya totoong kakilala eh. Pero as far as I know, hindi sya importante sa buhay ko, nagulat lang talaga siguro ako ng marinig ko ang balitang iyon, pero ano naman ang karapatan kong magulat di ba? Wala lang. Kaya pala sabi sa horoscope ko kanina ay "be ready for someone's emotional outburst." Hindi ganyan kaeksakto iyon pero ganyan ang meaning. Siguro karamihan ng babasa nito, lalo na yung mga lubos na nakakakilala sa akin nagiisip kung anu yung bagay na nalaman ko na yon, pero hindi ko pwedeng sabihin eh.

Masaya naman ako para sa kanila. hikhik. Ayun change topic na tayo. may mga picture akong isheshare sa inyo.


...!The Vanity of Scene Criminals!...

Members:

Ghiee
sya ang dakilang may pasimuno ng Grupong ito, EMO, sya yun pero todo deny pa sya, pero hindi talaga totoo yung sinabi ko. hikhik. Habulin sya ng mga lalaki, ewan ko kung bakit. Mabait. Matalino. At marami pa syang magagandang katangian.
Code Name: EMO


Art

Sa grupong ito, sya ang may pinakamatalinong utak, sya rin ang pinaka masipag at pinaka creative sa amin. Pangit ang taste nya sa mga babae, dahil type nya ang mga nalipasan na ng panahon, at yung mga tipong araw na lang ang bibilangin sa pamumuhay sa mundo. Jowks. Sya rin ang pinaka Loyal, simula second year, iisa pa lang ang nagiging crush nya. Sya rin ang pinaka pervert sa amin, totoo yun.
Code Name: The Perv


Cha

Sa grupo namin sya ang pinaka kikay, mana sa ate, todo deny pa sya. Sa grupo, sya lang ang may alam kung kelan dapat mang-asar at kung kelan hindi dapat. First love nya si Ionne, umiyak sya nung nagbreak sila, loyal din sya at mapagmahal sa pamilya. Sya ang pinakamagaling manguha ng ulam mo tuwing lunch.
Code Name: Prep Chiq


Jeif

Sa grupo sya ang pinaka KJ, sya ay kabilang sa mga math wiz ng school, yung mga tipiong hindi pa tapos yung tanong alam na nya yung sagot. Jowks. Pero ilang minuto lang matapos ipost ang tanung, masasagot na nya. Galit sya sa mga kapatid nya, pero alam ko hindi totoo yun, kasi concern sya sa pag-aaral ng mga ito. Lagi pa nga nyang sinusundo si Yoshino (yung youngest brother nya) sa school. Sa soldiers sila nakatira ngayon, medyo malayo sa amin. Kaya hindi sya nakakasama sa mga gigs ng tropa.
Code Name: Papa Bear


MhieL

This is yours truly. Sa grupo sya ang laging napagiiwanan, hindi sya nasabay sa uso, ayaw nya nun. Fashionista? Sabi nila. Minsan na rin syang natawag na kikay, pero walang katotohanan yun. Hindi sya maarte tulad ng iba. Mahilig magbasa ng libro at sumulat ng kung anu-anu. Masiyahin. Moody. at kung anu anu pa. Hindi sya ganun ka-loyal sa grupo, ilang beses na nya itong tinalikuran, pero dahil mabait ang mga myembro, lagi syang tanggap pabalik.
Code Name: Sexy

=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0=0

Sila ang, ahem I am proud to say, na sila ang tropa ko. Tanggap nila ako kung sino ako. Masaya ako. Tulungan kami, walang laglagan. Sila ang pinaka una kong mamimis kapag grumaduate na kami. Sabihin myo mang magkikita pa naman kami after highschool, pero iba ang bonding namin ngayon. Sa college kasi iba-iba na ang mga sched namin, at magiging mas seryoso na kami sa aming pag aaral...

Gray is our color and low is our song. hikhik.

Bakit nga ba low ang theme song namin? Simple lang naman, dahil sa tuwing magkakasama kami, laging tinutugtog ang low. Sa jeep. Sa mall. Sa kalsada. Sa school. At kung saan saan pa.

Paano dito na lang muna ha!?

hikhik. buhbye!

ayun, bye.......

2 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home