...When Mean SimpLicity TaLks...

kung ang Mundo man ay iyong kaaway na rin, pasan mo man ito sa iyong mga baLikat, dama mo man ang paghihirap ng sa ati'y nakararami. Iyong matatanaw sa kaLaLiman ng mga karanasan sa bLog na ito, ang haLimuyak ng kasiyahan at katotohanan sa Mundo, ang kasiyahang akaLa mo'y matagaL ng Lumisan sa iyong sariLi at sa iyong puso. Dito'y iyong matatagpuan ang mga kakaibang epaL na karanasan ng manunuLat. Iyong subukang buksan, at Lubos na kaLigayahan ang iyong makakamtam.

Friday, July 18, 2008

Take Time to Realize!

Ayun hello ulit sa inyo! Nandito ulit ako nanggugulo sa mga screens nyo, Well ayun this blog may be so different on my previous blogs, take time to realize? kung itatanung nyo kung bakit yun ang title ko, hikhik, basahin mo na lang ang whole body ng blog na ito, para maintindihan mo ang nais kong iparating sa inyo.

Pero bago yun, nais ko lang ishare sa inyo na marami ng tao ang nanuod ng mga scandal ko sa youtube.com, hikhik wala lang naishare ko lang, hay naku! Anu yang nasa isip mo huh? Di yun sex scandal o kung anu pa man.

So here is it, simula na ng aking taimtim at makapigil hiningang blog.

Ilang taon ka na ba? 16? 17?15? 19? o mas bata pa sa mga yun? Baka naman mas matanda pa sa mga yun? Minsan ba sa loob ng ilang taon na ang puso mo ay pumipintig at nagbibigay ng oxygen sa dugo, na ang baga mo'y nakalanghap na ng kung anu anung klaseng gas, at ang kidney mo ay nagsala na ng kung anu anung klase ng pagkain; naisip mo ba kung paano nangyari ito? Malamang ang sagot mo oo, dahil malamg nasagot na ang mga tanong na ito sa subject nyo na Biology sa school? Pero minsan ba naisip mo na, imposible naman na ang isang unicellular oraganism, ay nag-evolve sa mga puno, halaman, bulaklak, hayop at mismong ikaw?

Para sa akin, hindi ako naniniwala sa teoryang ibinigay ni Charles Darwin o ng kung sino pa man. Para sa akin, Sya lang ang gumawa ng mga ito, at Siya lang ang patuloy na nagpapaikot ng mga ito. Nagpasalamat ka na ba sa Kanya? Nanghingi ka na ba ng patawad sa Kanya? Eh ang tanong kaya mo ba?

Taong 2006-2007 ng mauso ang genre na EMO, sa pagalabas nila, naglabasan na rin na parang mga kabute ang iba't iba pang uri ng genre. Metal, hip-hop, heavy metal, ballad at kung anu anu pa. Karamihan sa kanila'y nanatiling normal. Ngunit subalit datapwa't mas marami sa kanila ang nagbago, marami sa kanila ang nakalimot
sa Lumikha. May kakilala akong tinatangging sya'y isa sa mga anak ng Lumikha, hindi nga sya pumapasok ng simbahan eh, ang mga larawan sa kanyang kompyuter ay pawang mga pangaalipusta sa Anak ng Lumikha. Paano nila ito nasikmura? Ewan ko.

POSO, Indonesia. Isang nakapanlulumong pangyayari ang naganap, isang giyera, giyera na hindi mula sa dalawang bansang nag-aagawan ng teritoryo o kung anu pa man. Ito ay isang giyera sa pagitan ng mga Muslim at Kristyano. Anu ba ang kasalanan ng mga batang Muslim bkait sila pinapatay? Anu ba ang kasalanan ng mga kababaihang Muslim? At anu ba ang kasalanan ng mga kalalakihang muslim? May isang katanungan akong nabasa mula sa isang video sa youtube.com (hindi ko maiprovide ang link, kasi hindi ko na makita, pero pag nakita ko ibibigay ko sa iba kong mga post) "is it the fault of the Muslim people, if they were born Muslim?

Nakapanghihinang isipin na mga Kristyano ang may gawa nito. Anu nga naman ang meron sa mga Muslim? Bakit sila inuubos? Pati ang mga kaawa-awang mga bata ay dinamay pa (lahat ito makikita nyo sa isang video sa youtube.com). Inggit ba? Anu ba ang dapat kainggitan? Insecurity? Naiinsecure ba tayong mga Kristyano sa bilang ng mga muslim?

Hello! Gumising tayo!

Nakita mo na ba ang kagandahan ng karagatan tuwing takipsilim? Nakaligo ka na ba sa isang malamig na ilog? Nakaakyat ka na ba sa isang malaking puno? Lahat ng kagandahan ng Mundo, tayo ang sumisira, ngunit naitanung mo na ba, sa kabila ng ating pagsira sa kalikasan bakit patuloy pa rin tayong nakikinabang sa mga biyaya nila. Hindi ba't tila nagiging makakapal na ang mga mukha natin?

Sa kabila ng mga iyan, sa tingin ko, tama lang na bawasan na tayo ng ating Ama. Marami ng tao ang namamatay, hindi isa-isa, kung hindi bilang isang grupo, mga kalamidad na ang may dahilan dito. Hindi ako magugulat kung ibabalita na lang bigla na " lumubog na lang bigla!" Hindi na ako magugulat kung may mga apoy na lumabas sa ilalim ng lupa at isa isa tayong sinunog.

Isipin nyo ng masyadong exagge ito, pero ano pa ba ang dapat kong hintayin? 8.1 intensity ng isang bagyo. Mga pagsabog ng bulkan. Tidal waves. Pagkalat ng mga epidemya. Malapit na tayo sa katapusan, kung hindi naman ay may iba pa Syang plano, ang ipagpatuloy ang mga ito at maghirap tayo, pero He is very merciful para gawin yun.

un lang.

Pag-isipan mo.

Baka bukas wala ka na.

Baka bukas wala ka ng uuwian.

Baka bukas wala na ang Mundong iyong ginagalawan.

Au revoir!

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home